NEWS UPDATES

'Oil Rollback', inilarga!

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Muli namang nagpatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies sa bayan ng Kabacan ngayong araw.

Sa abiso kahapon ng shell, bumaba ng P0.60 sa kada litro ng kanilang gasolina, P0.80 kada litro sa kerosene habang 0.45 naman sa diesel.

Ang petron corporation naman ay bumaba ng P0.75 kada litro ang kanilang gasolina, habang P0.50 naman para sa kanilang diesel at P0.80 din sa kerosene.

Nabatid na ang bawas presyo ay epektibo ngayong araw ng Martes, Nobyembre 24 ng taong kasalukuyan.

Asahang susunod na ring mag-aabiso para sa oil price rollback ang ilan pang oil companies. USM DevCom Intern, Jayson Remo, DXVL News.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento