NEWS UPDATES

2 Katao, nahulihan ng illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa kalye ng Tandang Sora, Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:20 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Rhosman Dataya Pedtamanan, 28 anyos, residente ng Purok Nasay, Brgy. Kilagasan at si Samrudin Abas, 27 anyos, residente ng Poblacion, Carmen.

Natimbog ang mga suspek habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga Task Force Kabacan kungsaan pinagdududahan ng mga pulisya ang ikinikilos ng mga suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia’s pati ang isang pinaniniwalaang shabu.

Agad namang ipiniit ang mga ito sa Kabacan PNP lock-up cell at inihahanda na ang kasong kakaharapin ng mga suspek na paglabag sa RA 9165 o ‘comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’. Konektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Tantz Piang Jr. DXVL News!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento