NEWS UPDATES

Magsasaka, patay sa pamamaril

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Dead on Arrival sa bahay pagamutan ang isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang biktima na si Junex Akoy, residente ng Purok Kibawe, Brgy. Magatos ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, lulan ang biktima sa kanyang kulay pulang motorsiklo na may license plate 1112-379638 ng sundan ng mga suspek na sakay ng Kawasaki Bajaj Motorcycle at walang abu-abung pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo ang biktima na agad namang isinugod sa isang bahay pagamutan sa Kabacan pero di na ito umabot pa ng buhay.

Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre .45 na pistol na ginamit ng suspek sa pamamaril.

Tumakas ang mga suspek sa bahagi ng Pagalungan, Maguindanao.
\
Inaalam na ngayon ng Kabacan PNP kung anu ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento