NEWS UPDATES

Dahilan ng Mahabang Pila sa USM Admin, sinagot ni VPAA Ampang

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Sinagot kahapon ni Vice President for Academic Affairs, Dr. Palasig U. Ampang  ang reklamo ng mga studyante tungkol sa mahabang pila ng enrollment dito sa University of Southern Mindanao.

Ayon kay Dr. Ampang, hindi kasi sinusunod ng ilang estudyante ang itinalagang schedule of enrollement na nagsimula pa noong nakaraang linggo at magdadagsaan sa huling nalalabing araw.

Dahilan naman ng mga estudyante kung bakit huli na silang nakapa enroll ay ang late na pagpopost ng mga grado na kinakailangan sa enrollment process.

Sa datos na nabanggit na opisyal kahapon sa programang Oras ng Bayan, as of 3:00 ng hapon kahapon, 6, 318 ang nakapag enroll o 50.35% sa inaasahang number of enrollees ngayong taon at may 3, 977namang registered na hindi pa nakapagbabayad.

Palalawigin naman ng administrasyon ang enrollment hanggang sa Sabado (November 7, 2015) upang mabigyan ng tsansa ang lahat ng estudyanteng makapag enroll ata makapagbayad bago pa man magsimula ang klase sa lunes ( November 9, 2015).

Dagdag pa niya na tumatanggap ang pamantasan ng partial payment dahil naiinyindihan umano nito ang problemang  pinansyal ng mga magulang.


Samantala kung ikukumpara naman last semester na may 12, 549 enrolless sa  inaasahang 10, 295 enrollees ngayong taon. Brex Nicolas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento