NEWS UPDATES

Lalaking nakuryente sa pinagtatrabahuang Simbahan, kritikal pa rin ang kalagayan

(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Kritikal pa rin ang kondisyon ngayon ng isang 33-anyos na lalaking makaraang makuryente sa tinatrabahuang simbahan sa Bonifacio Street, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Charlie Gonzaga Agustin, trienta tres anyos at residente ng Tondo, Poblacion, Carmen, Cotabato.

Aksidente umanong nasagi ng biktima ang live wire habang nagtatrabaho sa inaayos na Christ the King Parish dahilan kung bakit ito nakuryente at bumagsak sa lupa.

Umabot sa 70 degree burn ang natamong sunog ng biktima batay sa panayam ng DXVL News sa isa sa kanyang kamag-anak.


Patuloy pa ring nagpapagamot ang biktima sa bahay pagamutan sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao city.

Dahil dito, nanawagan ng tulong ang pamilya ng biktima para sa dagdag suportang pinansyal para sa mga gamot na kinakailangan araw-araw at sa iba pa nitong gastusin.


Sinasabi kasing hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon ang Cotelco sa panawagan ng tulong ng pamilya ng biktima. Rhoderick BeƱez with report from USM-Devcom Intern Xyra Tito 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento