NEWS UPDATES

70-anyos na Lolo, patay matapos mabangga ng Van

(Matalam, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Patay ang isang lolo matapos masagasaan ng rumaragasang van sa kahabaan ng Davao- Cotabato Highway partikular sa crossing Cosuseco sa harap ng sea oil Gasoline station  Matalam North Cotabato kaninang alas 5:40 ng umaga.

Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Garcillano Dulay, 70-anyos, Residente ng  Brgy. Poblacion Matalam, North Coatabato.

Kinilala rin ang suspek na si Dexter Oyao Nacilla 32 anyos, kasado, drayber ng nasabing van na may plakang MCW 624 at residente ng Takepan Pikit North Cotabato.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng sugat at matinding pasa ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Sumuko naman ang suspek, na ngayon ay nasa kustodiya na Matalam PNP. Zhaira Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento