NEWS UPDATES

Cotabato Division handang handa na sa Senior High School implementation

(Amas, Kidapawan City/ November 6, 2015) ---Handang handa na ang Cotabato division sa implementasyon ng senior high school ng Department of Education (DepEd) na maguumpisa na sa school year 2016-2017.

Ito ang sinabi ng Cotabato Schools Division Superintendent Dr. Omar Obas sa panayam sa kanay ng DXVL News kahapon.  Sa katunayan anya ay nagpapatuloy ngayon ang pagpapatayo ng dalawa hanggang apat na classrooms sa 62 public secondary schools na mag oofer ng senior high curriculum.


Bukod sa mga pampublikong paaralan na may senior high school curriculum,  dalawang state university  and college rin ang mag oofer nito – ito ay ang University of Southern Mindanao at Cotabato Foundation  College of Science and Technology, 28 na private secondary schools at isang local college - ang Makilala Institute of Science and Technology.

Ang mga guro namang magtuturo sa senior high school ay may mga qualifications na dapat akma sa apat na tracks ng programa – ang Accountancy Business and Management, Arts and Design, Sports at Tech Book. Sa ngayon, nagpapatuloy ang sunbmission of intent ng mga gurong gustong magturo sa senior high bago pa man ang hiring ng kagawaran.

Ang ng senior high school ay isa sa mga component ng K to 12 program ng Department of Education. Brex Nicolas


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento