NEWS UPDATES

USM may bagong 26 na mga CPAs

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Dalawampu’t anim ang pumasa buhat sa 35 na kumuha ng 2015 Certified Public Accountant Licensure Examination mula sa mga graduate ng University of Southern Mindanao.

Ito ayon kay USM Accountancy Department Chair Dr. Lope Dapun.

Aniya ang resulta ay inilabas noong Oktubre a-16.

Nakakuha ang USM ng National Passing rate na 41.06%.

Ang USM Passing rate naman ay 74.29%.

Ayon kay Dr. Dapun na 32 ang mga first takers kungsaan 25 dito ang pumasa, ibig sabihin nito nasa 78.13% ang passing rate ng USM sa mga first takers nito.

Ang malaking bilang ng mga nakapasa sa CPA ay malaking karangalan hindi lamang sa College of Business Development and Managemento CBDEM kundi maging sa buong institusyon ng University of Southern Mindanao.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento