NEWS UPDATES

Detachment ng mga sundalo, hinarass sa Makilala, North Cotabato; mga sekyu sa pagawaan ng DOLE Stanfilco, dinis-armahan

(Makilala, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Sinalakay at sinunog ng mga nasa humigit kumulang 20 mga rebeldeng grupo ang detachment ng mga sundalo sa Brgy. Luna Sur, Makilala, North Cotabato alas 8:45 kagabi.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO hinarrass ng mga pinaniniwalaang mga New People’s Army o NPA ang detachment ng 39IB, Philippine Army na nakabase sa lugar.

Bukod dito, sampung mga armadong kalalakihan din ang dinisarmahan ang mga secusity guard na naka-duty sa palettizing na pag-mamay-ari ng DOLE stanfilco at tinangay ang 1 unit ng shotgun, 2 38 revolver at sinunog ang dalawang units ng container van na nakaparada sa loob ng nasabing compound.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing insidente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento