NEWS UPDATES

Nagbalik loob sa gobyerno, pinaslang!

(Magpet, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Patay ang dating miyembro ng New People’s Army o NPA habang sugatan naman ang isa pa matapos silang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan sa Sitio Sentro, Brgy Imamaling, Magpet, North Cotabato pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Marco Engay Vea, 37-anyos, magsasaka na taga brgy. Imamaling, Magpet habang ang sugatan naman ang truck driver na kinilala lamang sa pangalang Rodney.

Ayon kay Fornan, nagbabayehe ang mga biktima karga ang mga kahoy patungong Kidapawan City ng bigla na lamang sumulpot ang tatlong mga suspek at agad pinaulanan ng bala si Vea dahilan para madamay ang nabanggit na driver.

Tadtad ng tama ng bala ang katawan ni Vea gamit ang matataas na uri ng baril na siya namang target ng krimen dahilan ng kanyang agarang kamatayan.


Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen habang isinugod rin sa pagamutan ang sugatang biktima.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento