NEWS UPDATES

1st Semester sa USM ng School Year 2015-2016, nagtapos na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Pormal na inanunsyo kahapon ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig U. Ampang na magtatapos na ngayong araw ang 1st semester ng school year 2015-2016 sa University of Southern Mindanao.

Ayon sa opisyal, magsisimula naman ang enrollment sa pamantasan sa lahat ng antas sa Oktobre a-26 hanggang Nobyembre a-5.

Magbubukas naman ang klase sa November 9, 2015.

Samantala,  nakiusap naman si Dr. Ampang sa mga studyante ng USM na umiwas sa mga aktibidad na makakasira sa ngalan ng pamantasan.

Ito ang kanyang naging panawagan  kaugnay ng nangyaring hazing na ikinasawi ng isang studyante ng St. Luke's Institute na kinilalang si Bobong Bualan na ayon sa report kasangkot ang Tau Gamma Phi Fraternity na nakabase sa USM.


Iimbestigahan naman umano ng pamantasan ang insidente bago maglabas ng desisiyon kung mapatunayang kasangkot nga ang ilang USM students sa karumal dumal na hazing. Brex Nicolas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento