NEWS UPDATES

Bangkay ng Indian National na natagpuan sa Matalam, North Cotabato; kinilala na!

(Matalam, North Cotabato/ October 2, 2015) ---Kinilala na ng mga kasama nito ang bangkay ng lalaking Indian National na natagpuan sa isang lugar sa Purok 5, Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Elias Diosma Colonia, kinilala ang biktima na si Ranjit Singh Brar, 27-anyos, walang asawa at isang private lender/ collector at residente ng Purok 9, Brgy. Sudapin, Kidapawan City.

Ang suspek ayon sa report ay taga-Langiana Khurd, Bgah Purana Ditrict, Moga Punjab, sa bansang India.

Hindi naman nakitaan ng tama ng bala o saksak ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito, kaya palaisipan pa sa pulsiya ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing Indian National.


Ang mga kasama nito ay nakikipag-ugnayn na sa India, upang isailalim sa autopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung anu ang dahilan ng pagkamatay nito, ayon kay PCI Diosma. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento