NEWS UPDATES

September 1, 2015 Holiday sa Probinsiya ng North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ August 28, 2015) --Ideneklara ngayon ng Malakanyang ang Setyembre a-1, 2015 na Special Non working Day sa Probinsiya ng North Cotabato.

Sa isang kalatas na inilabas sa Facebook Account ni Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael na ang proclamation 1116 ay pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na nagbibigay ng opurtunidad sa lahat ng Cotabateños na makiisa sa ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan.

Ang nasabing proklamasiyon ay nilagdaan nitong August 27, 2015 sa Malakanyang.

Magiging panauhing pandangal naman sa nasabing selebrasyon ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa gagawing 101 cumination program at Kalivungan 2015. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento