NEWS UPDATES

Security guard arestado sa pagdadala ng granada at di lisensiyadong armas

(Mlang, North Cotabato/ August 28, 2015) ---Sa presinto na nagpaliwanag ang isang security guard makaraang mahulihan ng di lisensyadong baril at granada sa isinagawang Highway check ng Mlang PNP sa Brgy. Bagontapay, Mlang.

Kinilala ni Senior Ins. Jenameel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang suspek na si Rolie Mayormita Dinampo, 33 anyos na taga Davao City.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre. 45 pistol na may magazine at bala at isang granada.

Hindi na nakapalag pa si Dinampo ng posasan ng mga otoridad dahil wala naman itong maipakitang dokumento na agad namang binitbit sa Mlang Police Station.

Sinabi ni Toñacao, isasailalim pa nila sa interogation ang suspek para matukoy kung ano ang motibo nito sa pagdadala ng nasabing mga armas at kung sino ang totoong nagmamay-ari nito.


Nakakulong na ngayon ang suspek sa Mlang PNP lock up cell at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento