NEWS UPDATES

7 patay sa Dengue sa North Cotabato

(North Cotabato/ August 20, 2015) ---Pito katao ang nasawi sa sakit na dengue sa lalawigan ng North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Ito ang napag-alaman mula sa data na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU mula buwan ng Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Sa nasabing bilang 3 sa mga napaulat na namatay ay buhat sa bayan ng Alamada, 1 sa bayan ng Aleosan, 1 sa bayan ng Carmen, 1 sa Libungan at 1 din sa Midsayap.

Nasa 1,545 na kaso ng dengue ang naitala ng PESU kungsaan mas mataas ito 92 posiento kung ihahambing sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay IPHO Head Dra. Eva Rabaya ang bayan ng Midsayap ang may pinakamataas na kaso ng dengue kungsaan nakapagtala ng 275, sinundan ng bayan ng Tulunan 208 at Kidapawan city na may 185. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento