NEWS UPDATES

EXCLUSIVE: Suspek sa sex slave, arestado

(Esperanza, Sultan Kudarat/ July 13, 2015) ---Kalaboso ang 39-anyos na adik na sinasabing gumahasa sa babaeng vendor at isa pang menor-de-edad matapos itong masakote sa isinagawang hot pursuit operation sa Purok Liwayway, Brgy. Poblacion sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat noong Biyernes ng hapon. 

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Eisbon Llamasares, OIC ng Esperanza PNP ang suspek na si Bong Mejia. Sa police report na isinumite ni P/Insp. Tirso Pascual, lumilitaw na ikinulong ng suspek sa kanyang bahay ang mga biktima noong Martes ng Hunyo 7.
Puwersahan din pinagamit ng illegal na droga ang mga biktima bago gahasain ng suspek.

Ginawa nitong sex slave ang dalawa mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 10 kung saan nakatakas ang mga biktima kaya nasakote ang suspek sa kanyang bahay.


Sa ngayon, naghihimas ng malamig na rehas bakal ang suspek habang nasa kustodiya naman ng Women’s Children and Protection Desk o WCPD ng PNP ang mga biktima. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento