NEWS UPDATES

Isang bangkay ng lalaki natagpuan sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 13, 2015) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa National Highway sa Brgy. La Esperanza, Tulunan, North Cotabato alas 5:30 ng umaga nitong linggo.

Ito ayon kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP sa panayam ng DXVL News.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtamo ng sugat sa likod na bahagi ng ulo ang biktima at sa kaliwang bahagi ng dibdib nito.


Ang biktima ay nakasuot ng puting tshirt at naka short pants ng kulay green at may tatoo na hugis puso na may arrow sa katawan. Tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 ang biktima, may taas na 5'5 at naka skin head ang gupit.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang bala ng 9mm pistol, 3 basyo ng bala ng 9mm na pistol at 2 basyo ng bala mula sa calibre .45 na baril.


Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Collado Funeral parlor sa Poblacion, Tulunan, North Cotabato. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento