NEWS UPDATES

Pamunuan ng Sugni Super Store, ipinaliwanag ang pagtanggal sa trabaho ng isa sa kanilang security guard

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Itinanggi ng pamunuan ng Sugni Super Store Kabacan Branch ang lahat ng alegasyon ni Rosalie Pareñas, ang gwardiya ng nasabing establisyemento na umanoy tinanggal sa trabaho dahil sa pagsumbong nito sa pulsiya na isa sa kanilang mga customer ay may iniwang granada sa baggage counter.

Ayon kay Lyndie Tantong ang Manager ng Sugni Superstore sa panayam ng DXVL News Team, puro kasinungalingan ang mga paratang ni Parreñas laban sa kanila.

Aniya, hindi umano ang pamunuan ng Sugni Super Store ang nagpatanggal sa kanya kundi mismong ang Agency ng nasabing security guard na nakabase sa Cotabato City.

Hindi umano matanggap ni Pareñas kung bakit agad siyang tinanggal sa trabaho gayung, ginagampanan lamang nito ang kanyang trabaho.

Aniya, ikinagalit umano ng manager nila ang pag-rereport nito sa Pulis kaugnay sa pagkakarekober ng granada sa bag ng isang kustomer.

Inihayag ni Pareñas na ginagawa niya lang naman umano ang kanyang trabaho bilang gwardiya para sa kaligtasan ng lahat ng kustomer at ng mga tao sa naturang establisyemento at unfair umano sa panig niya na siya pa ang sinisante sa trabaho.

Samantala, nilinaw naman ni Tantong na kliyente lamang umano ang Sugni ng Security Agency na may hawak sa kanilang mga gwardiya at wala silang karapatang magtanggal.

Hindi rin umano siya tinanggal ng Agency, sinabi rin nito na pwede naman itong bumalik sa kayang trabaho bilang gwardiya kung magkakaroon na ito ng lisensiya. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento