NEWS UPDATES

Huling SONA ni Pangulong Aquino, sinalubong ng picket lane sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Sinalubong ng ilang mga militante at progresibong grupo ng mga mag-aaral ang huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino kahapon.

Nagsagawa ng pagkilos ang Liga ng Kabataang Moro, Anak Bayan, Lesbian Gay bi-sexual transgender at STAND USM sa harap ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao  upang ipanawagan ang ilang mga pambansang isyu na para sa kanila ay hindi natugunan ng administrasyong Aquino.

Bit-bit ng mga ito ang ilang mga plaka at watawat na sumasagisang ng kanilang grupo at isinisigaw ang mababang sahod, hustisya para sa SAF 44, Karapatan sa Edukasyon, No to Budget Cut, Justice for Human Rights Violation, dagdag na budget para sa edukasyon at ang Moro land na hindi dapat ibebenta.

Naka-alerto naman ang pulisya maging ang TMU upang mapaayos ang daloy ng trapiko habang isinagawa nila kahapon ang naturang aktibidad.

Maliban sa Kabacan ay mga isinagawa ring kahatintulad na aktibidad sa Kidapawan City.

Samantala, hati naman ang reaksiyon ng ilang mga taga lalawigan ng North Cotabato kaugnay sa naging SONA ng Pangulo.

Ang ilan sa mga taga-Kabacan ay magkaiba ang pananaw pero karamihan pa rin sa kanilang ay nasiyahan at kontento sa pagsisikap at serbisyo ni PNoy para sa Pilipino.

Sa kanyang SONA, inilahad ng Pangulo ang mga mahahalagang programa at aksyon ng pamahalaan tungo sa pagbabago, pagpapaunlad at pagpapatatag ng demokratikong bansa

Ang SONA kahapon ay ang ika-77 SONA simula noong taong 1935 at ika-29 nang maipanumbalik ang demokratikong pamamahala noong 1987. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento