NEWS UPDATES

Suspek na pumaslang sa kasapi ng sundalo sa Mlang, North Cotabato patuloy na pinaghahanap

(Mlang, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagbaril patay sa isang sundalo sa panibagong krimen na sumiklab sa Purok 8, Brgy. Bialong sa bayan ng Mlang, North Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kahapon.

Sa ginawang panayam ng DXVL News kay P/Insp. Bernard Abarquiz, ang Deputy Chief of Police ng Mlang PNP kinilala nito ang biktima na si Cpl Joey Pastrana Espiritu, may asawa at kasapi ng 7th IB Charlie Coy na naka-base sa Brgy. Tawan-Tawan ng nasabing lugar.

Batay sa police report, nagtamo ng maraming tama sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Lumalabas sa inisyal na ulat na nag-iinuman ang biktima kasama ang tatlong mga kasamahan sa isang videoke house ni Degayo ng pagbabarilin ng suspek.


Nang makitang bulagta ang biktima ay agad na tumakas ang suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento