NEWS UPDATES

Lalaki, arestado ng Matalam PNP dahil sa illegal drugs

(Matalam, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Kalaboso ang isang 23-anyos na lalaki makaraang sa isinagawang saturation drive ng Matalam PNP kontra illegal na droga sa panulukan ng Tuscano at Lopez Jaena St., Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:20 kahapon.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Ronie Rebuta Basan, 23-anyos at residente ng Purok Pilinut, Malasila, Makilala, Cotabato.

Nakuha kay Basan ang 2 piraso ng small at medium size na heat sealed plastic sachet  na naglalaman ng shabu.

Agad namang dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa mas masusing pagsisisyasat.

Inihahanda na rin ng kapulisan ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento