NEWS UPDATES

Rubber Budstick Libreng Ipinamamahagi ng OPA sa mga Magsasaka ng Goma

(Amas, Kidapawan city/ June 22, 2015) ---Bilang bahagi ng Rubber Development Program ng lalawigan ng Cotabato, nag-establish ng National Rubber Budwood Garden ang Office of the Provincial Agriculturist sa likurang bahagi ng kapitolyo sa Amas, Kidapawan City. Ang pondo para rito ay nagmula sa Department of Environment and Natural Resources na nagkakahalaga ng P2.4 M na bahagi ng National Greening Program ng pamahalaan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng proyekto na makapahagi ng libreng rubber budstick sa mga magsasaka ng goma upang maitaas ang kalidad ng mga rubber planting materials dito sa lalawigan ng Cotabato na magdudulot ng mataas na produksiyon ng latex.

Bandang Disyembre 2013 na nang matapos ang pagtatanim ng rubber clones particular ang PB260 at PB330 sa national rubber budwood garden at ini-launch naman ito noong Pebrero 2014, ito ang pahayag ni Agustino Arances, ang Provincial Rubber Coordinator ng lalawigan.


Sa kasalukuyan, namamahagi na nang libreng rubber budstick ang OPA mula sa budwood garden. Para sa mga magsasakang nais mag-avail ng libreng rubber budstick para sa kanilang mga nursery at taniman ng rubber, mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa OPA Crops Division para mapagbigyan ang inyong request.

Ang pamamahagi ng libreng rubber budstick ay bahagi ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza upang tumaas ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan at matulungan na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka ng goma sa probinsya.
Written by: RUEL L. VILLANUEVA

          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento