NEWS UPDATES

Presyo ng ilang mga rekado at isda sa Kabacan Public Market, muling tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Sumipa ang presyo ng ilang mga isda sa Kabacan Public Market simula nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Rowena Tanguilig, isa sa mga tindera ng isda sa panayam ng DXVL News, ito umano ay dahil sa mahirap umanong hulihin ang mga isda dahil sa maliwanag ang buwan nitong mga nakaraang araw.


Ang dating presyo ng isda na pirit  na P90/kg-P120/kg, budboron P100/kg-P120/kg, galonggong P100/kg-P120/kg, ang barilison na dati naglalaro ang presyo sa P110/kg hanggang P120/kg, ngayon ay P130/kilo na.

Ang isdang bangus naman ay hindi nagbago sa dati nitong presyo na mabibili ang malilit sa P110/kg at malalaki na mabibili naman sa P120/kg.

Samantala bukod naman sa mga isda ay tumaas rin ng presyo ang sibuyas sa Kabacan Public Market.

Ayon naman kay ang sibuyas na dati’y naglalaro sa P65-P70/kilo, ngayon ay P80/kilo na.

Wala naman naitalang pagtaas at pagbaba ng presyo sa iba pang mga rekado.


Wala ring naitalang paggalaw ng presyo ang mga karne ng baboy, baka at manok. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento