NEWS UPDATES

Phivolcs Kidapawan, patuloy na pinag-aralan ang fault system sa probinsiya

(Kidapawan City/ June 11, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs-Kidapawan hinggil sa mga fault system sa probinsiya.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Engr. Hermes Daquipa ng Phivolcs-Kidapawan matapos ang isinagawa nilang preliminary study sa sinasabing bagong fault line na nadiskubre nila matapos ang nangyaring lindol noong October 22 at September 20 ng nakaraang taon sa bayan ng Makilala at Tulunan.

Aniya, kailangan pa nila ng sapat na panahon at malalimang pag-aaral bago makapaglabas ng opisyal na data hinggil sa sinasabing fault system sa probinsiya.

Iginiit na opisyal na ang pinakamabisang panlaban pa rin sa kahit anumang sakuna ay ang tamang paghahanda.

Sinabi pa nito na dalawa ang pinagmulan ng lindol ang pagputok ng bulkan at ang nag-ki-kis-kisang mga lupa sa ilalim o tectonic.

Ang tectonic earthquake ay kusang darating, hindi alam kungsaan at anung oras at anu ka-lakas.

Aniya, ang North Cotabato ay may maraming mga ‘local fault system’ maliban pa sa back-out active faults na nasa palibot ng North Cotabato katulad: ng Western Mindanao fault, Philippine trench, Davao trench, Central Mindanao Fault at Philippine fault zone na ayon kay Daquipa ay mga malalapit na active faults sa North Cotabato.


Ibigsabihin kapag gumalaw ang nasabing mga fault line apektado pa rin ang North cotabato sapagkat malapit lang ito, wika pa ni Engr. Daquipa. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento