NEWS UPDATES

15 kaso ng dengue naitala ng RHU Kabacan sa buwan ng Mayo

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Nakapagtala ng 15 kaso ng sakit na dengue ang RHU Kabacan nitong nakaraang buwan ng Mayo taong kasalukuyan.

Ayon kay RHU Kabacan Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam ng DXVL News Team, mas mataas ito ng tatlong beses kung ikukumpara sa kanilang naitalang kaso noong buwan ng Abril.

Anya, karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay mga kalalakihan na edad 11 hanggang 20-anyos.


Dagdag pa ng opisyal, batay sa nasabing data, Poblacion pa rin ng Kabacan ang may pinakamaraming kaso ng nagkakasakit ng dengue na nakapagtala ng 10 kaso, sumunod ang Brgy. Pisan na may 2, Brgy. Kayaga na may 2, at panghuli ang Brgy. Dagupan na may 1 kaso.

Dahil dito, mas pinaigting pa ngayon ng RHU sa pangunguna ni Dr. Sufronio Edu ang kanilang Information and Education campaign.

Samantala, nakapagtala rin ng 12 kaso ng Sexually Transmitted Infections ang RHU sa bayan ng Kabacan.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento