NEWS UPDATES

EXCLUSIVE: Rape Suspek, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo (reclusion perpetua)

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2015) ---Hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo si Diosdado Sebaldes matapos na babaan ng hatol ni Regional Trial Court RTC Branch 22 Judge Laureano Alzate ang nasasakdal dahil sa apat na kasong kriminal na nangyari noong Pebrero at Marso 2002 na isinampa sa nasabing korte.

Ang dalawang mga biktima ay mga menor de edad at hindi pinangalanan dahil sa provision ng anti-violence against women and children act, RA No. 9262.


Alinsunod din ito sa GR no. 167693 o Cabalquinto, na hindi pwedeng banggitin ang tunay na pangalan at pagkakakilanlan ng mga biktima.

Dahil dito, napatunayan ng prosekusyon sa korte na si Diosdado Sebaldez ay nagkasala ng walang pagdududa (guilty beyond reasonable doubt) dahil sa ginawa niya ang apat na magkakahiwalay na panggagahasa sa dalawang menor de edad.

Kaya naman, hinatulan ni Judge Alzate ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua si Sebaldez at pagbabayarin ng danyos sa mga biktima. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento