NEWS UPDATES

EXCLUSIVE: Isa pang suspetsado sa attempted rape, binabaan ng hatol ng RTC Branch 22 Kabacan ng 4-taong pagkakakulong

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2015) ---Hinatulan ng apat na taong pagkakakulong si Herminihildo Cabrido ‘alias Boy’ matapos na napatunayan sa hukuman dahil sa pagkakasala ng apat na magkakahiwalay na attempted rape noong March 2003, July 2004, December 2004 at October 2005 sa nasasakupang korte.

Ayon kay Regional Trial Court RTC Branch 22 Judge Laureano Alzate ng Kabacan napatunayan na nagkasala ang nasasakdal ng apat na attempted rape.


Kaya, hinatulan ng hukuman si Cabrido na mabilanggo mula dalawang taon, apat na buwan at isang araw of prisons correctional  as minimum to 10 years of prisons mayor, as minimum of each attempted rape, ayon pa sa hukom.

Maliban dito, inatasan din ng korte na magbayad si Cabrido ng kanyang danyos sa biktima na noon ay menor de edad.

Sa panayam ng DXVL News, hindi binanggit ni Judge Alzate ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa batas ng RA no.9262 at hindi rin binanggit ang lugar para maproteksyunan ang pribadong buhay nito.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento