NEWS UPDATES

Region 12 nasa rank 5 sa medal standing sa Palarong Pambansa

By: Lurvie James Fruto
FB: Benjie Caballero
(Tagum city/ May 8, 2015) ---Nasa rank 5 sa medal standing sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Tagum City ang Region 12 SOCKSARGEN na may 11 golds at nangunguna na delegation sa buong Mindanao.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa Palarong Pambansa Special coverage Team Lurvie James Fruto, nangunguna naman ang power house ng NCR, pangalawa ang Southetn Tagalog, pangatlo ang Western Visayas, at pang apat ang CRAA.

May mga atleta naman na galing sa Kidapawan City na delegado ng badminton at chess girls na inaabangan pa ang resulta ng laro.

Samantala, siniguro naman ni Regional Director Allan Fernaso na maayos ang kalagayan ng mga atleta, may sapat na pagkain at tubig. Planado umano at nakapag handa nang maayos ang food committee para sa mga atleta. Christine Limos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento