NEWS UPDATES

Imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa narekober na high explosive ordnance nagpapatuloy

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa narekober na high explosive ordnance sa Crossing ng Miracle St., Poblacion, Kabacan alas otso kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL news Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng kabacan PNP inihayag ng opisyal na may mga natanggap na silang impormasyon ngunit di pa pwedeng isapubliko.

Gawa umano sa bala ng 60mm ang narekober na HE na wala namang kakayahang sumabog.


Patuloy namang pina iigting ng Kabacan PNP ang kanilang ginagawang pagpapatrolya at police visibility sa lahat ng sulok ng Kabacan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento