NEWS UPDATES

On-going projects sa ilang barangay ng bayan ng Kabacan, malapit nang maiturn-over

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Ituturn-over na ngayong buwan ng Hunyo ang mga on-going projects sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr sa panayam ng DXVL News.

Anya, halos kalahati ng lahat ng bilang ng mga barangay sa bayan ang kasalukuyan ay may on-going na mga proyekto na malapit ng matapos at isa na rito ang road rehabilitation sa Brgy. Pisan na malapit nang maiturn over.


Dagdag pa ng opisyal na patuloy ngayon ang kanilang ginagawang paglilibot upang tingnan ang implementasyon ng nasabing mga proyekto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento