NEWS UPDATES

Magsasaka sugatan makaraang ma hit-run sa Highway ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Ospital ang bagsak ng isang magsasaka matapos na masugatan makaraang ma-hit and run sa National High Way sa bahagi ng Brgy. Katidtuan, Kabacan Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division ang biktima na si Amado CariƱo, 53 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na papatawid umano ang biktima ng aksidenteng mabangga ng isang pinaniniwalaang RUSI na motorsiklo, kulay pula na sakay ang dalawang di pa nakilalang mga kalalakihan.

Nagtamo ng sugat ang biktima matapos ang insidente.

Pinatigil umano ng mga nakakita sa nasabing pangyayari ang motorsiklo ngunit nagpaharurot ito habang mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima.

Hinabol ng kapulisan ang mga suspek, pero bigo silang mahuli ito.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang biktima.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento