NEWS UPDATES

Wanted sa batas, arestado sa kasagsagan ng Semana Santa sa bayan ng Magpet, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Sa kulungan na nagdaos ng semana santa ang isang wated na lalaki matapos itong mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Kamada, sa bayan ng Magpet Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PI Felix Fornan, hepe ng Magpaet PNP ang suspek na isang Michael Castor, may asawa at residente ng Brgy. Basak sa nasabing bayan.


Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Alexander Betoya ng Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City sa kasong Murder.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Magpet MPS habang nahaharap naman sa salang pagpatay.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento