NEWS UPDATES

Panibagong sunog naitala sa Kabacan!

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Panibagong sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan partikular sa Purok 2, baranggay Osias, Kabacan, Cotabato kung saan nasunog ang isang bakanteng lote na nagsisilbing junkshop ng mga plastic.

Pasado ala una ng hapon ng makatanggap ng alarm report ang Kabacan BFP mula sa PNP Osias base sa pangunguna ni PI Rommel Hitalia na nasusunog ang isang junkshop na pagmamay ari ni Arnelito Nitura, ULS-USM Professor.


Sa imbestigasyon ng Kabacan BFP sa pangunguna ni FSI Ibrahim Guiamelon nagsimula ang sunog ala una singko ng tanghali at dineklarang fire out ala una singkwenta ng tanghali.

Ayon sa opisyal non index case ang naturang sunog at tinatayang nasa dalawang libo at limang daan ang danyos mula sa mga nasunog na plastic at meter of current. Dagdag pa ng opisyal na faulty wiring umano ang tinitingnang dahilan ng sunog.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento