NEWS UPDATES

Totoy, utas ng malunod sa ilog

(North Cotabato/ April 8, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang tatlong taong gulang na batang lalake ng malunod ito sa ilog malapit sa Federville Subdivision Rosary heights 11, Cotabato City dakong alas-11 ng umaga kamakawala.

Sinabi ni RH 11 Brgy. Chairperson Mustapha Esmael, base sa ina ng biktima na si hajim Abdulbasit nakita itong naglalaro sa isang sikad-sikad pasado alas-8 ng umaga.

Nang dumausdos ang sikad sa ilog ay nasama rito ang bata.

Ayon kay Esmael, may nakakita sa pagkamatay ng bata ngunit nasa kabilang bahagi ng ilog kung kaya't bigong masalba agad ang batang lalake.

Nabatid na nagbabantay ang ina ng biktima sa kanyang mas nakababatang anak na may sakit ng mangyari ang insidente.

Matapos sinisid at marekober ng mga residente ang katawan ng tatlong taong gulang na bata na may lalim na mahigit limampung metro ay binigyan naman ng tulong ng barangay ang pamilya ng biktima. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento