NEWS UPDATES

NIA Office sa Midsayap, Pinasabugan!

(Midsayap, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang tanggapan ng National Irrigation Administration Regional Office sa Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Sa report na ipinadala ni Supt. Reinante delos Santos ng Midsayap PNP wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Naganap ang pagpapasabog isang araw bago ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo ng Natioanal Irrigation Administarion o NIA sa Midsayap, North Cotabato.

Nabatid na dalawang bomba ang inilagay sa loob ng compound, ang isa dito ang sumabog at isa naman ay natagpuan sa harap mismo ng opisina ng Comision on Audit.

Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento