NEWS UPDATES

Pang-haharass sa detachment ng militar, kagagawan ng mga ligaw na kaluluwa ng BIFF ---BIFF Spokesperson

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2015) ---Pinabulaanan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang responsable sa sunud-sunod na pagpapasabog at pang-ha-harass sa mga detachment ng militar sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.

Ayon kay BIFF Spokesperson Abu Misri Mama sa panayam ng DXVL News, hindi na umano bago sa kanila na sila na ang tinuturong responsable sa mga nagyayaring pang-haharas kasama na ang pamomomba noon paman na buhay pa ang kanilang founder na si Ustadz Ameril Umbra Kato.


Aniya, ang sundalo na mismo ang nagsabi na ubos na ang BIFF at imposible umanong sila ang may kagagawan ngayong ubos na ang kanilang grupo.

Pinabulaanan din ng opisyal na humina ang kanilang grupo base sa sinasabi ng militar bunga ng katatapos lamang na All-Out-Offensive.

 Pinasinungalingan din ng opisyal na nagpapasikat lamang ang kanilang bagong lider sa katauhan ni Sheik Ismail Abu Bakar na da­ting vice chairman ng political affairs ng BIFF.

Nilinaw nito na hindi mga BIFF ang nang-harass sa mga detachment kundi mga multo o ligaw na kaluluwa ng mga BIFF na namatay. Rhoderick BeƱez  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento