NEWS UPDATES

Kawalan ng trabaho ng mga guro dahil sa K-12 program ng Deped, itinanggi ng Schools Division Supt. ng North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(North Cotabato/ April 23, 2015) ---Hindi naniniwala ang Department of Education o DepEd North Cotabato Division na magkakaroon ng problema sa mga guro na nagtuturo sa mga Higher Education Institution bunga ng patuloy na pagpapatupad ng K-12.

Ayon North Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL, maari naman umanong mag-offer ng Senior High School ang mga Unibersidad at mga Kolehiyo sa lalawigan.


Sa katunayan aniya ay mayroon ng Private College Institution sa probinsiya ang mag o-offer nito kagaya ng Notre Dame of Midsayap College at Southern Christian College sa bayan ng Midsayap sa darating na School Year 2016-2017.

Kaugnay naman ng empleyo, nakipagkasundo na ang DepEd sa mga business organizations, lokal at dayuhang chamber of commerce and industries upang ikonsidera ang mga graduates ng K+12 sa posibleng trabaho, wika pa ni Obas

Aniya, magkakaroon din ng matching ng kinakailangang trabaho at natapos upang masiguro na mabibigyan ang mga mag-aaral ng nararapat na trabaho base sa kanilang kakayahan, maliban pa doon sa mga gusting magpatuloy sa kolehiyo.


Samantala, nananawagan naman ang opisyal sa mga mamamayan ng lalawigan na suportahan ang programang K-12.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento