NEWS UPDATES

P5.9M na halaga ng PAMANA Projects, naipamahagi sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Abot sa P5.9M halaga ng proyekto at programa ng (PAyapa at MAsaganang PAmayanan) o PAMANA projects ang naipamahagi sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taong 2014.

Ayon Kabacan Agricultural Technologist at report officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng 50 na bags ng mga Certified Palay Seeds, 75 bags na OPV Corn Seeds, 125 bags ng UREA at mga laminated sacks.


Ang PAMANA ay programa ng National Government sa ilalim ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process o OPAPP na naglalayong palakasin ang mga lugar sa buong bansa na apektado ng kaguluhan o mga Conflict Affected Areas.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento