NEWS UPDATES

Missing na lalaki, pinaghahanap ng kapamilya kaanak matapos mawalay sa loob ng mahigit sampung taon

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Dumulog sa himpilan ng DXVL ang isang kaanak ng isang lalaking mahigit sampung taon nang nawalay sa kanyang pamilya.

Kinilala ang pinaghahanap na isang Joy Dayondon Braquel na residente Punta Flecha Pitogo Zamboanga del Sur.


Ayon kay Ronnie Ramirez na siyang bayaw ng nawawala.

Taong 2002 pa umano ng mawalay sa kaniyang pamilya si Joy Dayondon Braquel na isang lalaki dahil sa hirap sa buhay.

Kanila nang hinanap sa opisina ng Comelec sa lalawigan kung nakapagparehistro ba ito ngunit di naman ito nakita sa listahan.

Huling nabalitaan ng kanyang kapamilya na namamalagi daw ito sa bayan ng PIKIT.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento