NEWS UPDATES

P110M, danyos sa dry spell sa Makilala, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Makilala, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Isinailalim na rin sa State of Calamity ang bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa epekto ng tagtuyot sa bayan noong nakaraang linggo.

Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News.

Anya, umabot na P110M ang naitalang danyos na iniwan ng dry spell.


Kasama sa mga agricultural crops na napinsala ay ang saging, palay, mais, gulay at pati na rin ang rubber ay naapektuhan din.


Sa ngayon ay gagamitin ang pondo mula sa Calamity Fund ng bayan upang mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhang mga magsasaka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento