NEWS UPDATES

Libu-libung mga miyembro ng MILF, nagsagawa ng ‘walk for peace’ bilang panawagan sa pag apruba ng BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Libu-libung mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang nagsagawa ng parada sa bayan ng Kabacan upang ipanawagan ang kanilang suporta sa Bangsamoro Basic Law o BBL alas 7:30 kagabi.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News Team, natapos ang nasabing parada dakong alas 8:45 ng gabi.


Nasa tinatayang nasa 3-4 na libung mga MILF ang sumali nasabing aktibidad.

Nanggaling ang mga partisipante mula sa Bayan ng Kabacan, Carmen, Pikit at bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato at bayan ng Pagalungan sa lalawigan ng Maguindao.

Dala ng mga partisipante ang mga ilaw o “solo”.

Nagsimula ang parada mula sa Kayaga Terminal Complex, papuntang USM Avenue, USM Compound, National Highway sa may sa Aringgay at pabalik sa Kayaga Terminal Complex.

Layon ng grupo ay upang makalikom ng suporta para sa pagsulong ng BBL.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento