NEWS UPDATES

NGCP nakatakdang magbibigay ng Sagot sa nangyaring Block – out sa Buong Mindanao ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Nakatakdang magbibigay na opisyal ng pahayag ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ngayong araw hinggil sa kanilang paliwanag sa nangyaring total block-out noong nakaraang linggo ng madaling araw.

Ayon kay COTELCO Spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL News, hindi umano sila makakapagbigay ng sagot sa isyu dahil tanging ang NGCP lamang ang makakapagbigay ng opisyal na pahayag.


Anya napalaking impact umano ang nangyaring total Bolck out- sa buong isla ng Mindanao at  normal umano ang ginawang hakbang ng DOE sa pagpapaimbestiga sa nasabing pangyayari dahil isa umano sila sa concerned agencies kasama na rin ang National Electrification and Administration. 

Nangako naman ang opisyal na agad ipapaalam nito kung sakali mang makakatanggap sila ng pahayag mula sa NGCP.


Samantala, muli namang ipinahayag ni Baguio na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maibigay ang kalidad na serbisyo sa lahat ng kanilang member consumers at upang magkaroon ng pang matagalang solusyon ang nararasang kakulangan ng suplay ng kuryinte sa kanilang nasasakupan. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento