NEWS UPDATES

CPPO, patuloy na naka full alert status

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Naka-Full Alert Status pa rin ngayon ang Cotabato Police Provincial Office at hindi pa naibaba ang nasabing alerto.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO ito dahil sa papalapit na Summer Kids Peace Camp matapos ang paggunita ng Semana Santa.

Sinabi ng opisyal na nakabatay ang kanilang ipinapatupad na seguridad sa mandato galing sa National at Regional Office.

Nanawagan naman si Tayong sa mga mamayan ng lalawigan na ipagpatuloy ang ginagawang kooperasyon sa mga otoridad dahil kung wala umano ang koopearasyon ng mamayan ay talagang kukulangin ang mga resources ng kapulisan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento