NEWS UPDATES

Mindanao Rail Way System, pinag-aaralan pa- MinDA

(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Patuloy pa ngayong ginagawan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng Mindanao Rail Way System sa Mindanao.

Ayon kay MinDA Director III Romeo Montenegro sa panayam ng DXVL News, matagal na umanong inirekomenda ng ibat-ibang grupo ang nasabing proyekto.


Anya nagawan na umano ng Pre-Feasibility Study ang parte ng Rail Way System mula Cagayan de Oro-Iligan hanggang Zamboangga at magkakaroon na rin umano ng Flexibility Study ang portion mula Cagayan de Oro papuntang Davao na dadaan naman sa lalawigan ng Bukidnon at ibang bahagi pa ng Mindanao na dadaanan ng nasabing proyekto.

Dagdag pa ng opisyal na kung matatapos na ang nasabing pag-aaral ay pag-aaralan ito at kung papaanong masimulan ang nasabing proyekto. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento