NEWS UPDATES

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ April 15, 2015) ---Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di nakikilalang suspek sa National Highway ng Barangay Bialong, Mlang, sa lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na si Larry Lorca, taga Purok 7, Barangay Libuo, Mlang, North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumibyahe si Lorca sakay ng kanyang multicab sinundan ng mga naka motorsiklong mga suspek at pinagbabaril ang biktima.


Maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang kumitil sa buhay ni Lorca. Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento