NEWS UPDATES

Isang Rubber Processing Plant, sinalakay ng mga armadong kalalakihan sa Makilala, North Cotabato: gwardiya dinis-armahan

By: Mark Anthony Pispis

(Makilala, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Nilusob ng mga di pa kilalang armadong mga kalalakihan at dinisarmahan pa ang gwardya sa Farma Rubber Processing Plant sa San Vicente, bayan ng Makilala, North Cotabato dakung alas 6:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office sakay ng limang mga motorsiklo ang mga suspek ng biglang pasukin nila ang nasabing plantasiyon.


Nasa sampu ang bilang ng mga armadong grupo na responsable sa pagdis-arma sa mga kawani ng Farma Rubber Processing.

Natangay ng mga suspek ang M16 rifle kasama ang 4 malalaki at 1 maliit na mga magazines at 2 handheld radio.

Napag-alaman pa na pinasabugan ng landmine ang rumespondeng PNP personnel sa nasabing lugar.

Maswerte umano at walang nasaktan o nasugatan sa hanay ng mga otoridad.

Agad tumakas sa di pa matukoy na direksyon ang mga suspek matapos maisakatupan ang masamang balakin ng mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Makilala PNP sa nasabing insidente.


Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na posibleng kagagawan ng New People’s Army ang pagsalakay sa nasabing planta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento