NEWS UPDATES

42-anyos na lalaki, utas sa tandem

(North Cotabato/ April 22, 2015) --- Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 42-anyos na lalaki matapos na ratratin ng di pa kilalang riding tandem assassins sa Sinsuat, Avenue, Cotabato City pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Police Station 1 Chief of Police Sr. Ins Efren Salazar ang biktima na si Mohalidin Otto Mc Arthur, na taga Aleosan, North Cotabato.


Ayon kay Salazar, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sakay ang kanyang asawa patungong Awang, Maguindanao, pero pagdating sa bahagi ng Dapdap ng lungsod ay binaril ito ng dalawang lalaki sakay rin ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang tiyan gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima peru idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sinabi rin ni Salazar na posibleng punterya mismo si Mohalidin ng mga suspek dahil hindi naman tinamaan ng bala ang asawa na angkas nito.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa panibagong kaso ng pamamaril sa lungsod habang hinihintay rin ang pahayag ng asawa ng biktma para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli ng mga suspek.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento