NEWS UPDATES

Opisyal ng ARMM, binabulagta!

(North Cotabato/ February 27, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang mataas na opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang ito'y barilin sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ni Cotabato City Police Director S/Supt Rolen Balquin na si Norodin Manalao-Executive Director ng Regional Reconcialation and Unification Council (RRUC-ARMM).

Batay sa ulat, nilapitan ng nag-iisang suspek ang biktima habang sakay ito ng kanyang Pajero at naghihintay sa kanyang asawa sa Mega market.


Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Emergency Specialist Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagtamo ang biktima ng 11 tama ng bala sa kanyang tagiliran na tumagos sa kanyang dibdib na naging dahilan nang pagkasawi nito.

Lubos namang ikinalungkot ni ARMM Gov Mujiv Hataman ang sinapit ni Director Manalao.

Kilala si Manalao na taga-sulong ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan na rin ng pag-aayos ng mga rido o away pamilya. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento