NEWS UPDATES

All-out offensive, inilunsad ng Militar laban sa BIFF

(North Cotabato/ February 28, 2015) ---Naglunsad na ng all-out offensive operation ang Armed Forces of the Philippines laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay AFP Chief Gen. Gregorio Pio Catapang, nais nilang bigyang proteksyon ang komunidad sa Central Mindanao laban sa pag-atake ng BIFF sa ilang bahagi ng Maguindanao at North Cotabato.


Una rito, naghamon ng rematch laban sa tropa ng pamahalaan ang BIFF sa pamamagitan ng spokesperson nitong si Abu Misry Mama bago umano ibalik ang aniya’y nasa sampung mga armas na nasamsam nila sa Special Action Force (SAF) na nakabakbakan din nila sa Mamasapano, Maguindanao.

Nitong linggo ay inianunsyo ng mga opisyal na tinatayang nasa 20 hanggang 30 BIFF ang napaslang sa ‘military bombardment‘sa pinagkukutaan ng BIFF sa Maguindanao.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento