NEWS UPDATES

Mahigit sa 9 na libung Pamilya sa Maguindanao, nasa evacuation center pa rin dahil sa nagpapatuloy na focused military operation

(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Umaabot na sa mahigit sa Siyam na libung pamilya ang mga nasa evacuation center pa rin dahil sa nagpapatuloy na focused military operation sa ilang bahagi ng Maguindanao.

Ito ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army Public  Affairs Chief Captain Jo-Ann Petinglay sa panayam ng DXVL News.

Sinabi ng opisyal na ang naturang datos ay buhat sa ARMM-HEART.

Kahapon, dumating na ang Task Force Kalinga buhat sa Higher Headquarters ng AFP upang magsagawa ng Medical and Dental Mission sa mga bakwit na pinangyarihan ng operasyon ng sundalo laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang opensiba ng militar at dahil sa focused military operation ito, naghahanap muna ng specific na target ang tropa ng pamahalaan bago magsagawa ng opensiba.

Samantala, nadiskubre naman ng mga sundalo ang isang lugar kungsaan nagtatago ang mga pangkat ng BIFF sa Sitio Talapan, Brgy. Kitango, Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao matapos ang isinagawang all out offensive ng sundalo nitong Biyernes.

Sinabi sa DXVL News ni Petinglay na hindi ito kampo kundi lugar kungsaan nagtago lamang ang mga BIFF.


Kabilang sa mga narekober ay ang baril, tripods ng caliber .50 machine guns, atenna ng handheld radio, wire, ilang subersibong dokumento at iba pa. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento